"The power of population is definitely greater than the power of the earth to produce subsistence for man."
Minsan na itong sinabi ni Thomas Malthus. Ang dami na ngang pamilyang nagugutom gayong parang insekto sa bilis ang pagdami ng tao. Lubhang nakakaalarma ito lalo na sa mga naghihirap na bansa. Ang pagbaba ng moralidad, kawalan ng disenteng trabaho, pang-aabuso sa kapaligiran ay dahil diumano sa parang lobong hinihipan na pagdami ng tao. Sabi ng babaing ayaw magbuntis pero taun-taon ay nanganganak ay disgrasya lang daw ang pagkakabuntis sa kanya. Gaano naman kasakit kapag sinabing disgrasya ka lang na lumitaw sa mundo. Wala pa ring malinaw na programa para sawatain ang population bomb, lalo pa nga at tinututulan ng simbahan ang artipisyal na paraan sa birth control. Sure, new life is always welcome and a source of joy. The more, the merrier. Iyon ay kung kayang bumuhay ng pamilya. Kundi, magpapalaki ka lang ng potensiyal na kriminal, prostityut at propesyunal na iskuwater. Sabi nga ng isang nanay na nakitang nag-aagawan sa pagkain ang mga gutom na anak, kung puwede nga lang bang ibalik sa tiyan ang anak ginawa na niya. Para rin itong prinsipyo ng toothpaste na kapag inalis mo na sa tube hindi na puwedeng ibalik. Sa mga taga-komiks at iba pang medyum ng malikhaing pagsulat ay may ibang klase nang pagbubuntis na imbuwes na magpahirap ay nagpapayaman pa------ang pagbubuntis ng ideya. Binubuntis ang story concept hanggang sa tuluyan na siyang ipanganak sa mundo.
Saturday, August 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kumusta po nakita ko yung link nyo sa blog ni Randy Valiente.
I'm pretty good. Thanks. Sana ay makilala ko in person ang ever seksing si Klitorika.
Post a Comment