Monday, August 4, 2008

Malikot na Isip






For many children creativity is first expressed through fantasy. Sa paglalaro, they make the world closer to what they want to be.
Makulay ang mundo ng mga bata, parang Komiks. Malikot ang guniguni. Madalas ding takutin ang sarili. Siya si Supekid tagapagtanggol ng mga api, kalaban ng masasama at kampon ng dilim. Masarap balikan ang pagiging bata. Noong maliit pa ako ay nakakakita ako ng maliliit na tao na tumatakbo sa paligid ng bahay. Para akong baliw na laging tinitingnan ang ilalim ng tsinelas ko sa pangamba na baka natapakan ko ang maliliiit na taong iyon. Lumaki ako sa tahanan na maraming bawal. Bawal lumabas dahil may nangunguha ng bata at iluluto sa malaking kawali. Maraming anyo ng panakot. Matulog nang maaga dahil may gumagalang bampira. Maraming tanong na bakit sa isip na ang sagot ay bakit din. Bakit ako patatalo sa takot. Ako si Sputnik. "Balatong, balatong piniritong tutong...nagkalutong-lutong", sabay sigaw ng, "Sputnik!" Paano ko makakalimutan noong bumuo ako ng grupo ng mga rebeldeng bata para batuhin ang mga naglalakihang manikin sa eskaparate ng Toppers sa may Taft, mga manikin na ayon sa sabi-sabi ay nagiging bampira sa gabi. Ang tapang ko. Bago pa man tumapang ay natuto na akong matakot.

No comments: