Tuesday, August 5, 2008

Malikhaing Pagsulat

Creative writing is all about richness of ideas and originality of thinking.


Ang mga nursery rhyme na paulit-ulit na binibigkas ng mga paslit ay nakakapukaw ng interes at kamalayan sa malayang daigdig ng isang bata. At kahit sinong bata sa lahat ng panahon ay kayang bigkasin ng paulit-ulit ang tulang ito : Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are? Up above the world so high , like a diamond in the sky.

Nursery rhymes bring back fond memories of your childhood.

Noong maliit ako ay may paborito akong tula na ganito ang linya: Ako'y tutula, mahabang-mahaba, abot sa Quiapo tapos na po. Ang tulang iyon siguro ang naging inspirasyon ko bilang pambato ng eskuwela sa on-the-spot poetry writing contest. Naalala ko noon na sa bawat panalo ay ipinapaskel sa poste ng eskuwela ang pangalan ko. Pakiramdam ko nga pag-aari ko na ang posteng iyon. Sino ba naman ang hindi mananalo kung sa bawat kontes na salihan ko ay laging kasama ang paksa tungkol sa tree o puno. Paulit-ulit. Kumbaga kabisado ko na. Kahit nakapikit pa. May konting gulang din naman ako. Kung dati ay tungkol sa punong mangga ang sinulat ko, puno naman ng santol. Paulit-ulit. Hindi ko alam na pumasok na pala iyon sa akin senses, nagkaroon ako ng pandama, nadinig ko ang bulong ng dahon, nakita ko ang buhay sa puno at nalasahan ko ang bungang hindi pa tumutubo.

Imagination gives life excitement, it keeps things interesting. A good step for problem solving.

Huwag hayaang ikahon ang imahinasyon ng mga bata.

Let their creative soul fly.























No comments: