Sunday, August 3, 2008

CONDOM cartoons


Norman Isaac

Jun Aquino




Roy Basilio



The ABC of AIDS prevention: Abstinence. Be mutually faithful. Consistent and correct use of Condom. Ang letrang A ay praktisado na ng mga pari. Ang B ay para sa mga magkasintahan at mag-asawa. Ang C ay para sa mga bading o men sex with men at commercial sex worker
Ang condom ay isa sa epektibong paraan ng contraceptives at pag-iwas sa sakit dulot ng pagtatalik. Maging mga Ancient Egyptian men noon pa man ay gumagamit na ng linen sheath bilang proteksiyon sa sakit. Ang mga Intsik naman ay gamit ang oiled silk paper na pambalot sa maselang bahagi para maiwasan ang impeksiyon. Noong ika-16 siglo, naging epidemya sa Europa ang venereal disease na syphillis, at dito iminungkahi ng isang Italyanong duktor na gumamit ang lalaki ng linen bag na ibinabad sa solusyon ng asin at herb bilang proteksiyon sa nakahahawang sakit. Ika-18 century noon nang simulan gamitin ang linen at silk na condom, ganoon din ang sheaths na gawa sa goat's guts. Isa pang gut condom ang inimbento ng English Army na si Dr. Colonel Quondam. Noon pa man ay may ebidensiya na sa panulat nila Marquis de Sade, Casanova at James Bowell tungkol sa lalaking may suot na condom. Pinalagay na ito ay kahanga-hangang imbensiyon dahil maging ang bombang nukleyar ay hindi kayang pasabugin ang kumakalat na sakit ng panahon. Makikita sa itaas ang waging cartoon ni Norman Isaac ng Manila Bulletin tungol sa HIV prevention sa AIDS Media Awards noong 2002. Ang lalaking sinukluban ng condom ni Jun Aquino. At ang mga umaatakeng virus sa safer sex concept ni Roy Basilio. Ang mga kuhang larawan ay mula sa kalendaryo ng AIDS Society of the Phiippines.















No comments: