You are the scriptwriter of your own life, the director.
Pero kung totoo ito, kasindami na siguro ng buhangin sa dagat ang magagandang true-to-life story sa mundo. Ang buhay ay marami pa ring twist. Sa work of fiction, gusto ito ng readers gawa doon nagkakaroon ng makapigil-hiningang pangyayari. Lalo silang nabibitin sa istorya sa mga melodramatic serial in which each episode ends in suspense. Maaaring ang bidang karakter ay may sinagupang halimaw o nakorner ng mga kalaban.
Kaya nga karamihan sa mga serye o nobela sa komiks ay may itutuloy o abangan ang susunod na kabanata.
Kelan lang ay pinakaba ako ng twist sa buhay. Distroso ang kalaban, ang Bagyong Julian. Matapos umatake ni Typhoon Julian at magapi ito, nawala sa area of responsibility ng Pilipinas ang bagyo, buti na lang dahil Agosto 6 ay flight ng PR 319 mula sa Hongkong. At darating ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko mula roon. Tuso ang kalaban. Akalain ko ba naman na ang bagyong umalis dito ay doon naman papunta sa Hongkong? What a twist.
In its 5 p.m. weather bulletin, Pagasa said Julian gained more strength as it moved towards the South China Sea.
States and territories with borders on the sea (clockwise from north) include: the mainland China, Macau, Hong Kong, Taiwan, the Philippines, Malaysia, Brunei, Indonesia, Singapore, Thailand, Cambodia, and Vietnam.
At signal number 8 pa raw sa Hongkong.
Nag-email si Roan na noon ay pauwi kinabukasan, puwede raw ma-cancell ang flight gawa ng bagyo. Wait ko raw ang email niya. Hindi ako natulog buong gabi. Umaga, wala pa ring laman ang mailbox. Mula sa Cavite, nagpunta ako sa Manila, pinalinis maige ang bahay, nagpaluto ng mga paborito niyang putahe. Wala siyang call. Hindi ko na binuksan ang email. Dumiretso kami ni Ryan sa airport. Me flight ang PR 319. Arrived. Nakalabas na yata ang lahat ng pasahero pero wala ang hinihintay ko. Sumenyas sa akin ang NAIA police, nag-roving na raw sa loob, wala. Parang huminto sa akin ang oras.
Dumating sila Ensoy. Sakay na ako ng Adventure pero wala pa rin akong imik. Ang bibo at matabil na si Ensoy ay nagparinig. “Hayan, gawa kasi ng gawa ng istoryang may twist.”
Ang malupit na writer ba ay may pakiramdam kung paano niya paikut-ikutin ang karakter o mga tauhan sa kanyang istorya?
Sa dami ng twist na dinanas ko sa buhay ko, binuo ba nito ang pagkatao ko, pinatapang o inilagay lang ako sa alanganing sitwasyon? Kung ako ba ang naging scriptwriter ng buhay ko, magiging perpekto ba ang buhay ko o mawawalan lang ako ng kasiyahan at maraming taong tatapakan? Basta ang alam ko sa istorya ng buhay ko, gusto ko ay laging happy ending sa bawat episode. Dininig ang panalangin ko dahil dumating din ang bida, sakay ng PR 301 1315H, Agosto 7. Ang daming tao nuon sa airport, nakisabay pa ang shooting ni Judy Ann Santos. Me komiks na, me pelikula pa.
At minsan pa ay sinulyapan ko ang magagandang lokasyon o setting na hindi lang basta drowing, buo ang karakter. At siya mismo ang scriptwriter ng kanyang buhay.