I walked into life with the spirit of creative people unto me.
Isang mahabang paglalakbay kung saan ako nakakita ng mga taong lumilipad, kabayong nagsasalita, magic. Trabaho palibhasa ng mga manunulat sa komiks ay ipakita ang hindi nakikita ng iba. Lumikha ng bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Tingnan ang mundo ng patagilid. Pagandahin ang mga bagay na pangit. Pagkabit-kabitin ang mga elemento. At para ipakita sa atin na bukod sa ating mundo ay may iba pa palang mundo, at may iba pang uri ng mga nilalang. Ang komiks na isinalarawan bilang makulay at kawili-wiling babasahin ay lalo pang pinaghusay ng mga dibuhista sa komiks. Kahanga-hanga ang mga hagod at pitik ng brush ng mga artist na nagpapagalaw sa eksena, nagbibigay buhay sa karakter. Nasa mga kamay ng alagad ng sining ang esensiya ng pagiging malikhain. Sa mundo ng pagsusulat ay natuto akong maging lagalag, kung saan-saan nakakarating ang utak. Umikut-ikot sa bundok, tumawid sa ilog, tinawid ko pati bawal.Nag-iba ang tingin ko sa mundo. I see the world in different angle. Nag-iba ang tingin ko sa tao. I understand people in a much higher level. At sa bawat lakad ko ay parati pa ring natitisod. Ang road map ay makinis pero sa totoong buhay ito ay lubak-lubak. Dito ako nadapa at dito rin natutong bumangon. Ang mundo pala ng literatura, sining, komiks pati na buhay mismo ay nagiging napakayaman at makahulugan dahil sa paglalakbay. Life is a continous journey. I write about story of life but life writes my story. Sa creative journey na ito saan ba talaga patungo? Saan man makarating tinitiyak ko sa iyo doon magkakahalaga ang buhay mo, natin.
Friday, August 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
welcome sa blogworld, mel :)
Thanks for being you. They will see this blogworld thru the eyes of creative people. Randy V., your
the best!
hello immez.....the creative icon
nice to see here.......i am feeling proud of u
To Tapu of Bangladesh,
Kemon acho? Tumi khub buddhiman,kidia ki kow bujha jay nato.Thanks for your comment.
Ang galing naman. Ang lalim. At ang ganda!
Naging bahagi ako ng paglalakbay mo at natutuwa ako dahil nakita ko kung saan ka nakarating... at kung saan ka papunta.
Isang maligaya at makabuluhang paglalakbay sa isang matapang na babae!
Kung mayroon man isang tao na naging driving force ko sa pagsusulat sa mundo ng komiks, iyon ay si Miss Ofelia Concepcion. Siya ang taong nagsabi sa akin na "kaya mo iyan," kahit hindi ko na kaya. Tita Opi, pahingi pang trabaho. Hahaha!
Post a Comment