Wednesday, April 22, 2009

Happy Earth Day






I love this planet.

Mula sa bubong ng himpapawid hanggang sa sahig ng dagat.
Huwag naman natin dumihan pati na anyo ng kalupaan.
Imadyin, ang basag na bote na itinapon sa dagat ay nangangailangan ng sanlibong taon para matunaw. Dudumihan ng upos ng sigarilyo ang tubig ng limang taon, at ang palito ng posporo ay anim na buwan. Ang maninipis na papel ay tatlong buwan para mabulok. Ang plastik, mga 20 taon at ang lata ay 500 taon. Ang matindi dito mahirap matunaw ang styrofoam. Iba-iba ang kalkulasyon pero iisa ang tunay, dahil sa basura at dumi ng tao, ang dagat ay ginawang pinakamalaking inodoro.
Maging ang daluyan ng ilog ay binarahan ng mga basura. Ang ilog na tila malalaking ugat ng planeta ay nagbara at tuyot na tuyot na. Ang iba namang ilog ay kulay-burak na.
Sa kabila ng krusada laban sa global warming, ang mundo ay patuloy pa ring binubugbog ng usok at nakalalasong kemikal.
Palutang-lutang sa ere ang mapaminsalang polusyon sa hangin. Ang mahal na nga ng purified water, pati ba naman hangin bibilhin na rin natin?
Kung ang pagbubuga ng gas na sanhi ng greenhouse effect ay magpapatuloy asahan na rin na tataas ang temperatura ng mundo, isang nilalagnat na mundo.
Kapag nagkasakit ang mundo ito ang talagang kahulugan ng pangglobong epidemya. Huwag naman sana.
Save the Earth.

No comments: