Saturday, September 6, 2008

Pag-aarya

Teachers and Students of Ashi, Tanza, Cavite






"Writing is a continous study."

Ang pagsusulat ay walang katapusang pag-aaral. Hindi nagtatapos ang pag-aaral sa unibersidad, kundi sa pagpalaot sa totoong buhay.

Tumingin kayo sa mga bagay na pula, ang tanong: ilang berde ang inyong nakita. Ganoon ang pagsusulat, talagang lalawakan ang scoop. Trabaho talaga ng manunulat na ipakita ang hindi nakikita ng iba.
Ang tumayo sa karakter ng iba. Halimbawa ay nagsusulat ka tungkol sa taong grasa, dapat alam mo ang pakiramdam ng isang taong grasa. Hahaha! Hindi ko sinabi na ampunin mo ang taong grasa o mag-anyo kang taong grasa. Responsable talaga tayo sa ating mga sinusulat. At dapat ay alam natin kung ano ang ating isinusulat, ang format. Dati raw magkaaway ang poetry at prose pero ngayon bati-bati na sila. Sabi nga ng poet na si Rommel Samson, me prose-poetry na.

Isang imbitasyon ang dinaluhan ko para tumayong guest speaker sa First Julugan Prose-Writing Workshop, na inorganisa ng Cavite Young Writers Association, Inc., a community-based literary organization na naglalayon na pasiglahin ang kamalayan ng mga Kabitenyo sa sining, literatura, historya at kultura. Ang pagtalakay sa popular writing in the local context ay napuno ng masiglang interksiyon at aryadong kuru-kuro. Prose is writing that resembles everyday speech. Napakahalaga ng clarity of ideas . Ang pagiging makapukaw interes ng pamagat. Ang pagiging buo ng karakter. Ang direksiyon ng istorya. Ang kabuluhan ng paksa. Totoo, para maging epektibong manunulat ay marami pa rin tayong dapat malaman. Hindi pa ito nagtatapos sa aking nalalaman. Tingnan mo nga naman ke Lester Dimaranan, Editor-in-chief ng Julugan Weekly ko pa nalaman na meron palang grupo ng mga kabataan dito sa Cavite na nagsusulong ng kamalayan sa mundo ng malikhaing pagsulat. At kay Ronald Verzo, Presidente ng CYWAI ko narinig na sa Cavite pala nagmula ang magagaling na awtor na sina Efren Abueg at Eros Atalia. Lucky, bakit hindi mo agad sinabi na magkikita kami. Para akong isang fan na naghihintay sa autograph ng mga idol na padating.




No comments: