Sunday, September 7, 2008

Mga Sikat na Manunulat

Dr.Efren Abueg, Prof. Eros Atalia, Eng. Abdon Balde Jr.




It was a beautiful Sunday afternoon.
Akalain ko ba naman na napakaganda ng hapon na iyon nang makita kong pumarada sa harap ng bahay namin ang isang sasakyan at mula roon ay iniluwa ang tatlong sikat na manunulat.
Si Efren Abueg, ang premyadong manunulat at propesor. Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972), Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo de Manila University (1977-78) at sa De La Salle University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL, 1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at direktor ng Philippine Folklore Society. Ngayon, nagturo sa graduates schools ng PUP, at UPH-D. At hawak niya ang tropeo bilang Outstanding Caviteno sa larangan ng Panitikan.
Kasama rin si Eros Atalia, na humakot ng karangalan sa patimpalak ng Gawad Balagtas, Talaang Ginto, Gawad Soc Rodrigo, Gantimpalang Collantes sa Sanaysay at Unang Gantimpala sa Pagsulat ng Tula ng Panday Lipi, Ink, at Unang Gantimpala mula sa Palanca Memorial Awards for Literature sa Maikling Kuwento. Si Eros ay may Master of Arts-Language and Literature, Filipino sa DLSU; Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino sa Philippine Normal University.
At si Abdon Balde Jr., ang inhinyerong manunulat na naging Executive Council ng NCCA, Bise Presidente ng UMPIL. Nanalo pa siya ng Rokwang Ibalong Bikol Achievement Award for Literature, National Book Award, at Palanca Awards. Ilan lang sa kanyang mga aklat na isinulat----Hunyango sa Bato, 2004 National Book Award for Best Fiction at Juan C. Laya Best Prize for Novel, Mayong, 2003 National Award for Best Fiction, Kagubatan sa Isang Lungsod at Mga Panagarap na Pangitain.

Isang karangalan para sa akin ang makadaupang-palad ang mga sikat na manunulat sa lahat ng panahon.





2 comments:

Randy P. Valiente said...

dapat ituloy tuloy nyo na ang workshop sa cavite. daming magkakainteres dyan. congrats!!!

Imelda Estrella said...

Thanks, Randy! Sa susunod na seminar sana makasama ka namin. Alam ko na basta sa pagsulong ng panitikan at kulturang popular ay lagi kang maaasahan. Bilib ako sa iyo.