Tuesday, November 16, 2010

Top BBPA Class San Beda-PLM 2011



To BBPA class:
Good day. Allow me to express my whole hearted thanks to our President Samuel Gomez for his exemplary leadership. I would maintain that thanks is the highest form of thought, and leading with compassion is the essence of his leadership. Pres, walang sino man humihingi ng pagre-resign mo. Ikaw pa rin ang presidente ng BBPA class.In matter of principle stand like a rock.

Thanks to Mr. Vice Roger Abada. Thank you very much for creating this yahoogroups, the best tool that opens our lines of communication. From day one to the last term it served not only as bulletin board or messenger of fresh and crisp updates but here lies our mind and heart, the reflection of our thought and ideas the strong passion for learning.

Thanks to our treasurer Lita Reyes who managed our resources, a profession built on the foundation of financial disciplines. Hindi mo man sabihin Litz alam ko marami ka ring abono bukod pa sa effort ng paniningil sa klase. Thank you sa lahat ng pasensiya.

Thank you to All Bedan. Gaano kasarap ang pakiramdam na pinatuloy nyo kami sa inyong kolehiyo, nagkaklase sa malamig at malinis at ligtas na lugar. SBC provided the facilities and instructional materials higit pa sa aming inaasahan.
Thank you kay Dhes Pundevilla na hindi nawawala ang ngiti sa labi, at sa masarap na catering kung saan ang inihain niyang fried chicken ay napagkamalan kong pabo. Kay Malou Divinagracia at sa teamwork natin sa reporting, Kay Jackie Hernandez na mapagbigay at maalalahanin. Hindi ko makakalimutan ang nameplate na ginawa mo para sa buong klase, at ang ginawa mong kuwintas nun birthday ko. Kay Lourdes Castillo na sinadya pa ako sa bahay ko sa Cavite para iabot ang syllabus. Kay Rico Gatchalian na kagrupo ko at lahat ng bagay dinadaan sa ngiti. Kay Oliver Quiambao na athletic ang dating at mahilig sa FHM kasama ang cute na si Romer Camba. Ang pakyut na si Dave Omictin na kayang pataubin ang pinakamagandang speech. Ang mabait na si Ace Sunglao na talagang maasahan. Ang entrepreneur na si Cres Romero at ang kanyang produktong Alkaline. Kay Renato Macapagal na kinakitaan ko ng malalim na pananaw sa buhay. Kay Jeff del Rosario na gentleman at mabait kasama. At kay Bobby Ferrer na naging instant popular higit pa kay Bobby Pacquiao. Salamat sa magandang samahan.

Thank you din kay Sheila San Jose na tumataas ang performance level. Magiging matagumpay ka sa iyong career. Kay Mel Cabalic na sa tingin ko ay may potential sa sales and marketing. Kay Kath Aguilar na marami pa ring gustong marating sa buhay. Kay Jenny Manansala na kinakitaan ko na positibong pananaw sa buhay.

Thank you rin kay Luisito Urbano ng BSP sa pagiging cool at tatahi-tahimik pero maraming nakaimbak na joke at pasabog. Kay Angelo Decena na kakikitaan ng magandang karakter. Kay Jun Parico na maganda ang tindig, artistahin ang dating. At siyempre pa, kay Brod Allan Santiago na magaling sa accounting, utang ko sa kanya ang bilog-bilog kahugis ng itlog sa Financial Statement.

Thanks kay Ricobaby Manalang sa ipinakitang tatag ng loob. Kay Noel Nava sa mga punchline, ang papaya at banana na nagbigay ng sigla sa klase. Kay James Catapang na tahimik, malinis sa pananamit at magalang. Kay Sir Noel Cursod na madalas mapagkamalang propesor sa kanyang pangalan, pero tsampiyon din sa kabaitan.

Thank you rin sa lagi kong kasama na si Jaylee Cruz na mahilig magpa-upload ng pictures kahit during higlights ng exam. Kay Roselyn Corpuz na sobrang bait at walang ere, ang pagsasalo namin sa champorado at puto sa oras ng tanghalian. Sa mga nakakaaliw na lakaran. Sa walang kapantay na samahan.

Maybe each of us has its own brand of image and differences but still I believed that we have one goal--- goodluck to Compre Exam and Happy Graduation.
BBPA Secretary,
Imelda