Monday, September 21, 2009

A thankful letter


Pagbukas ko ng email ngayong oras na ito ay naiyak ako nang mabasa ang mensahe ng isang kaibigan. Sinadya kong huwag ilagay ang pangalan niya. Ni hindi ko na nga naalala ang tungkol sa ginawa ko para sa kanya sa maliit na bagay na iyon, na para sa kanya ay napakalaking halaga.


hi, imelda!
natatandaan mo pa kaya ako?
naalaala ko noong minsang magkasabay tayo sa atlas.
may nasingil ka noon at ako nama'y wala.
binigyan mo ako ng 50 pesos at inilibre pa ng kakanin at gulaman.
alam mo bang hinding-hindi ko iyon makalilimutan?
isa ka kasi sa mga taong naroon nang walang-wala ako.
thank you talaga.
sana, magkita tayo one time para mapasalamatan ulit kita..
graduate na nga pala ng college (BS Crim) ang isa kong anak.
sa call center siya nagtatrabaho.
malaking tulong na rin financially.
hope isang araw ay magkabalitaan tayo.
ingat lagi.
God bless you more.

di-nakalilimot,

No comments: