Natatawa ako pag naalala ko ang kuwento ni Kuya Abel, panganay kong kapatid. Minsan daw na nasa daan siya ay isang dating kakilala ang mukhang paawang lumapit sa kanya. Nangungutang ng pera. Sa awa ng kapatid ko ay dinukot ang kahuli-hulihang pera sa bulsa saka ibinigay sa taong iyon. Ang sistema, naglakad ang kapatid ko habang pakaway-kaway sa Fx ang taong iyon, "Abel, sakay na!" sigaw pa sa kanya, iisa lang naman ang way nila. Buhay nga naman. Siya pa itong naglakad sa init ng araw habang nakasakay sa malamig na Fx ang isa.
Sa pamilya namin talagang uso ang palabigay. Ang nanay ko nga magbibigay lang ng ulam kasama pa ang kaldero. Kung natatanggal nga lang ang hagdan namin baka ipinahiram na rin sa kapitbahay. Iyong pagiging generous nasa agimat na yata ng dugo ko. Sabi nga ng kasama ko dapat raw ay nagtatrabaho ako sa SWA. Walang biro kakainin ko na lang ibibigay ko pa sa nagugutom na kakilala. Katwiran ko kung lahat ng lang ng masasarap na pagkain ay ipapasok ko sa katawan ko gawa ng kasibaan baka hindi na ako makalakad sa sobrang katabaan. Bago magpasko nagkasakit ako sa problema ng iba. Walang damit pang Christmas party ang anak ng dating kaibigan. Ginalis ang kamay ng isang batang kapitbahay. Walang noche buena ang ilan. Puwera pa naipangakong kaperahan sa malalayong lugar. Nagawan ko lahat ng paraan. Ang malulutong na beinte pesos na ipinalit sa bangko ay ipinamigay ko sa mga bata, bahagi ng kinita ko sa pocketbooks. Sana marami akong napaligaya sa munti kong paraan. At para sa iba na hindi ko natulungan sana huwag kayong magtampo. Huwag kasi kayong masyadong maglalapit o kaya ay maglalayo. He he! Pray tayo na sa kabila ng global crisis ay maging mabiyaya pa rin ang pasok ng taon. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Good health. Blessed life. Peace on Earth.

1 comment:
ate imee,
the measure you give is the measure you will receive. you're a god's gift to many, a real good samaritan. :)
Post a Comment